may pasok na ulit..hehe..pero hindi ako maxadong nakapagpahinga nung sem break..practice dito, practice don..nung monday, picnic ng mendel. nung tuesday, practice ng SBM..nung wednesday, practice ng school choir tapos dugtong..nung thursday practice ulit ng school choir..nung friday naman practice naman ng school choir ulit tapos SBM..tapos sabado kakanta kami sa mai adamson university..arrrrgh..sunday hindi na kami pumunta sa paco park para magsimba..tutal naman pagkahapon magmimisa rin kami sa pandacan church..nung sunday rin mai practice ulit ang dugtong simula 2:00 pm tapos diretso misa na..mga 7 na ako nakauwi..haha..musta naman..lagi pa akong puyat!
buti na lang nakagawa na ako ng formal theme sa english nung saturday..funmath na lang ang kulang..hindi ko kasi macontact ang aking mga butihing groupmates..
so pasukan na! ai uu nga pala..si mama nasa davao..pumunta xa dun nung sabado nang madaling araw..namatay na kasi si tatay poling, ung asawa ng kapatid nia..haai..
ulitin ko..so pasukan na! nung monday whoo ang lakas pa ng ulan..nagising na ako mga 6:30..ahaha wala kasi si mama at mejo malamig pa..haha..kaya aion, mejo panic pa ako, kasi late na nga tapos ang lakas lakas pa ng ulan..so bangon agad ako ligo agad bihis bihis..mas nagpanic pa ako nung naalala kong hindi pa pala nakaayos ung bag ko..pero mejo owki na kasi buong araw practice lang naman ULIT kami ng choir, kaya pe uniform lang ang kelangang dalhin..tapos habang naghahanda ako binuksan ng tatay ko ung radyo..pero hindi na ako nakinig..wala na akong paki kung mai pasok o wala..ahaha..tsaka ang alam ko talaga me pasok..
nung paalis na ako, sabi ng tatay ko wala raw pasok..sabi raw sa radyo..ako mejo duda..kasi wala naman akong narinig..so nag-online pa ako baka sakaling me online na mascian na pwedeng magconfirm kung walang pasok. [wala kasi kaming tv..nasira..kainis..] pagkaonline ko nakita ko si allan online din with matching status pa na "sabi kasi ni edward NO CLASSES TOMORROW..hehe" so ako kinabahan na kasi 7:00 na nun...parang wala nang pag-asang makahabol..tapos tinanong ko xa kung me pasok..sabi nia uu, bakit wala pa raw ako sa skul..waaaa so aion confirmed na ang ikinakaba ko..
kaia aion mejo asar pa ko sa tatay ko kasi nga talkshit pala xa..tapos ung mga tinext ko hindi naman nagreply..walangya..[maliban ke cean]tapos alis agad ako tapos sakay na lang ng tricycle para mas mabilis [kahit mas mahal..amf]...tapos nakakaasar kasi mejo malayu-layo pa ako sa sakayan biglang may humarang na sasakyan sa daan..taena mas lalo akong malalate nian e! asar talaga..pero hindi na ako nagreact violently,pangit kasi un..tahimik na lang ako tapos nagdasal.. hai..grabe tlaga..nawarak pa ung payong ko..edi mas lalo akong natagalan..asar talaga nung monday..nabutasan ako ng 26 pesos pamasahe pa lang papuntang skul..
pagdating sa skul wala akong makitang lawrence na babae..akala ko anjan si maam quintal.ung mga boys obvious naman na anjan si sir bangayan..tapos un pala wala si mam quintal, pakalat kalat lang ang lawrence..ako dun na lang sumama sa mga einstein na choir..tambay kami sa may gate papuntang audi sa may second floor..so aion practice practice whole day..
minsan lang kita iibigin...dahil ang minsan ay magpakailanman..
hmm...wala namang maxadong nangyari sa mga klase namin...nagcheck..naglesson..nag-aral..tumambay dahil walang teacher..hmm..pero mai test sa huma! argh..periodic test pa ui..hai..kainis..
after practice inaya ako nila nica na gumala...so xempre go naman ako..kahit walang pera..so aion hintay hintay muna kami dahil sabi ni nica sasama raw si aby...habang naghihintay magkakausap kami nila cha gaux at luis..so sabi nia me dengue raw si jarold..so ako naman gulat kasi of all people si jarold pa ang kakagatin ng lamok..tapos nakakatawa kasi tumawa lang si luis..un pala natawa xa dahil hindi ko rin alam...tapos aion hindi na namin nakita si aby at sabi ni nica na go go go na kami sa rob..so aion xempre daldalan habang naglalakad...pagdating namin sa rob sa mai jollibee ground floor nakita namin pababa ng escalator si nino at llamas magkasama..ahaha nagbilliards silang dalawa..hmm rich kids ah..alam na..ahaha joke =)
nung tuesday naman ganun pa rin ang mga nangyari..tambay sa audi..practice..luckily dumating si Father..whoo para na kaming nagvovoice lessons nang libre..bukod dun sa mga pinapagawa ni maam carlos samin na higa, tihaya, lagay ng libro sa tapat ng diaphragm, at kulang na lang e gumulung-gulong kami sa sahig, aion me libreng lessons pa ke father..ang dami naming natutunan tsaka malaki rin ang pinagbago!wahaha =)
matapos namin pasadahan ang contest piece, e nagsimula na kaming mag-aral ng bagong piyesa..kaso lang hmph ang hirap pag-aralan..sinuggest ni maam na ung isa na lang ung kantahin namin..ung mai legato ata un..or something..basta aion..sabi ni maam kahit kaming dalawa na lang ni "little sister" suzanne [ahahaha] ang kumanta ng part na un...e wala si suzanne nung tuesday, kaya ako na lang muna ung pinagexperimentuhan ni father..haru abot ko pala ang nota..nakakagulat..
so aion sa mga klase naman magkakasummative daw sa susunod na meeting sa soxal..nagtest sila sa english [hmph puro test], lesson, lesson at lesson..hai...kaya minsan ayoko ring magkaextra curricular activities e..mahirap makamiss ng araw sa klase..
after ng practice di ko alam gagawin ko..tapos nakasalubong ko si aia hinahanap nia sakin si nica..sabi ko basta andun somewhere..tapos nabanggit nia kelangan daw nilang bumili ng fruits..sabi ko naman [mukha akong tanga] "ai uu nga pala mai misa sa praydey."
hmph..hindi pala para sa misa..para pala ke jarold..ahaha pahiya nakakainis..tapos aion naalala ko me dengue nga pala xa..tapos tinanong ko sabi nila uu,pupunta sila ngaun..so ako naman bigla kong naisip na pumunta na rin, kasi wala nang ibang time kung mag-inarte pa ako...hindi ko inisip kung sinong kasama, kung mai mga close ba ako dun or what..basta bigla na lang akong go..so aion...sabi ni nica mga 5 pa raw aalis kasi hihintayin pa raw si jonas..sabi ni aby hindi na raw makakasama si yani kasi masama ung pakiramdam.. isa pa un, buntis daw ahaha feel na feel pa nia.. aion..
anyway so undas na..mejo inaallergy pa ako nung gumising ako kanina..hai..kaya aion wala akong ibang magagawa kundi ang uminom ng gamot..nagpahinga ako...bumawi sa tulog dahil gaya nga ng nasabi ko, hindi maxadong relaxing ang sem break at ang mga nakaraang araw..preo oh well, paggising ko me allergy pa rin..dala na rin siguro ng stress..
bumangon na ako mga tanghali na..sabi kasi ni papa after lunch na lang daw kami pupunta..tatapusin pa raw kasi nia ung pagpipintura..hmm..naalala ko ung mga previous undas..lagi kaming maaga pupunta dun, marami kasing dahilan: - marami pa ung mga tumutulong sa tatay ko magpintura sa sementeryo - andito si mama nun [nasa davao kase xa ngaun..] - mrami kasi kaming pupunta..e mababagal ang kilos..e kung magpapatanghali pa kami, ano na lang ang aabutan namin sa sementeryo?
kaia aion, ang pumunta lang sa sementeryo ai ako, ate vita, pamangkin kong si dana, si papa, si ate vanessa at ang dalawa niang bulinggit, si carl at boki...nagluto si ate mabet [vita] ng ginataang halu-halo para baon namin sa sementeryo, tubig at nagpabili rin ng yelo si papa..tapos ako nagdala ako ng tubig kong sarili..para mas madaling uminom..tapos bago dumiretso sa sementeryo daan muna kami ng grocery, bibili ng plastic cups at disposable spoons..tapos bili na rin ako ng konting snacks, mentos na sugar-free pati nung tikoy na munggo na mukhang masarap..ahaha..
so aion diretso na kaming sementeryo...mejo malayo ung place kung san kami nagpark kasi bawal tsaka mraming tao...uu maraming tao sobra..kung ordinaryong araw lang kanina, kahit pa mejo mabigat ung dala ko hindi ako pagpapawisan nang sobra-sobra..pero kasi marami talagang tao..kaia dagdag sa init..so aion, pagpasok sa me gate malayo pa rin ung lalakarin namin kasi malayu-layo pa rin ung kinatitirikan ng mga labi ng mahal namin sa buhay =)
pagdating dun sa basta dun kung san man un..dasal muna kami..rosary..tapos aion kainan na..xempre inuna ung ginataan kasi baka mawalan na ng gana pag kumain nung mga snacks..aion..tapos pagkakain kinausap ko si ate nina at ate janjan..pati na rin si kuya raymond at baby angel...
haha nakakatawa kasi napakainit ng ulo ko kanina..ewan ko ba..nakakaawa nga sila bokbok e..sila ung natatarayan ko kanina..konting kibot lang..aian mainit na ulo ko..ewan ko ba..
naalala ko ung sermon nung pari sa pandacan church nung sunday..sabi nia ang november one daw e araw para sa mga patay, at hindi para sa mga buhay.. ang nangyayari raw kasi, pag sinasabing "november one," ang pumapasok agad sa isip natin "whoo holiday! yehey!" tapos ang tendency, ang araw na ito ay ginugunita natin para sa ating mga sarili...pumupunta nga tau sa sementeryo, pero anong ginagawa natin dun?mai dala tayong pagkarami-raming pagkain para magsaya tayo..nagdadala tayo ng pagka-lakas lakas na radyo..pero hindi man lang daw tayo nakakapagbaon ng panalangin para sa mga ipinupunta natin dun...
kanina, inobserbahan ko ang paligid..ang mga tao sa Manila South Cemetery..hindi naman lahat ganun...meron pa rin namang alam kung ano talaga ang kanilang pakay sa pagpunta sa sementeryo..ang totoong ibig sabihin ng undas..un nga lang, mejo sinasamantala ng mga negosyante..merong istante ng ano dito, meron ng ano dian...meron ding ganito dun sa banda rito..meron namang isa pa dun sa banda rian..pero kung iisipin natin, ganian talaga ang buhay..tsaka mai silbi rin naman ang mga istanteng un eh..para dun sa mga "rich kids"...e dun na lang sila bibili ng pagkain at inumin...
pagdating sa bahay natulog ako kaagad..dahil hindi pa ako panatag sa aking dinaramdam na sakit..tulog na ako mga 7:30 pa lang..aion...sige..sana'y naenjoy ninyo ang inyong holiday =)
_aKu_
- MY LIFE STORY -
ako si mani..bakit mani? kasi masarap ako! haha (what the hell does that mean?) anyway, you found me, that's what's important..sabi sau e..hindi ako mahirap hanapin ^_^ thanks for bothering looking for me..even though i'm a mere nut only..thank you! i really appreciate your effort..
i want to be revitalized..i want to start anew..i'm getting tired of doing things that will seem to have no good outcome..i want to take back my pride, my dignity..
for those who have been hurt because of me, my actions, and my big mouth, i am very sorry..i know my faults, and i really want to make up for the mistakes that i have done..i have done my best and exerted a lot of effort..but to no avail. i have done my part and i think it is time to give myself a break..
please don't get me wrong..i am still here and is patiently waiting..but i guess i just have to let things be carried by the wind..i realized that sometimes, i really will not be able to control things..
and for those FEW people who could understand me and is always there beside me, thank you. i really thank you for being very patient to me..i just hope that you will never leave and will always be my friends.. =)
this is mani..and i hope you'll enjoy my new boring blog..haha XD
.lab ku.
tubig
sunlight
minerals
God
luis ^_^
green and yellow
.yak.
cockroaches
traffic jams
back stabbers
people pretending to be a somebody